Your Guide to Social Media Etiquette

Standard
Your Guide to Social Media Etiquette

Ok, here it goes. I know madami akong matatamaan (mostly my friends pa) with this post. But hey, I’ve stayed silent for the past few weeks and it’s about time that I tell you my piece. I can’t say I have an ‘A’ when it comes to Social Media Etiquette. Dumaan din naman ako sa stage na nagpaparinig at nagpapapansin with my posts on Facebook – isama mo na ang Friendster. But let me tell you what, when you reach a certain age (like mine – late 20s), baka dapat you check what you post. Hindi lahat ng ganaps and hanash mo sa buhay teh kelangan mo ibroadcast sa mundo. ☺

What are the things you should NOT post on your social media accounts (or at least limitahan man lang)?

1. Multiple selfies – GUILTY! Until one day, narealize ko na ang lakas maka-jejemon ng paulit- ulit kong pagpapa-cute! If maganda ang lighting, sige push and take shots. Wag mo na ipost lahat siguro. Pumili ka lang ng maganda -ganda, tapos pak na. Gets na namin na blooming ka, hindi na kelangan na benteng shots na iisa ang background. Kung COMPIDENCE ka, you don’t need to hoard for likes on Facebook. Putek, paano kaming mga hindi photogenic? Luge na agad. Hahaha!

2. Lahat ng kasosyalan na ginawa mo – Slightly guilty lang ako. Jologs naman ako at some levels so kinikilig pa din ako when I stay in hotels or I eat out. Syempre, ‘check in at’ agad ang drama natin most of the time. Pero please, iwasan natin yung ober ober sa ganito. Ok lang na maging proud once in a while. Lalo na if pinagpaguran mo ang kasosyalang natatamasa mo. Ok lang din na i-share mo kung gaano ka ka-naive sa dami ng kubyertos when you were invited sa isang dinner na kakaramput ang pagkain sa plato. Minsan lang kasi, nagiging insensitive na tayo and at times, nagmumukhang shallow in life. I can identify these posts into 3 categories.

A. Sharing the sosyal experience (plain and simple dahil talagang ka-post post ang kape mo)

B. Humble bragging (medyo niyayabang mo lang pero acceptable kasi mayaman ka talaga siguro or may storya paano ka nakabili ng sapatos mula sa humble beginnings mo na sipit na tsinelas mula sa palengke? )

C. Hambog posting (besh, bayaran mo muna utang mo! plain na pagyayabang – di ko alam objective nito e)

3. Personal views and beliefs – Actually this isn’t really bad to post. Pero let’s also respect the opinions and beliefs of other people. Naaalala mo pa ba kung ilan ang na-unfriend mo noong National Elections? Given na kasi na magkakaiba tayo ng pananaw sa buhay. Wag mong pilit isaksak ang gusto mo.

Dun na lang tayo sa context ng politics ok? Yun kasi ang natatandaan ko na halos mag gyera sa newsfeed ko e. Hindi mo kelangan laitin ang mga taong hindi boboto sa kandidato mo. Mas ok siguro na i-highlight mo bakit sya ang bet mo. Baka sakaling mapalipat mo pa ng desisyon ang ibang tao.

4. Problema mo sa personal life – Sabi nga nila, face your problem. Don’t facebook it! Sa totoo lang day, huwag mong gawin trial by publicity ang away ng pamilya or friends. Maging mature tayo at harapin ng ayos ang mga pinagdadaanan sa buhay. Kausapin mo ang tao, pag di umayos – IHABLA MO! Di na siguro kelangan pang ipost. Minsan pati, bias tayo e. Baka masobrahan ang sinasabi mo against other people. Brad, mahirap yan – baka makasuhan tayo pabalik. Or if may problema ka, kuha ka ng inspirational quotes. Para lang may babalik – balikan ka na reminder – tutal, ilang beses mo naman naiiscroll ang sarili mong timeline sa loob ng isang araw di ba?

5. Lastly, problema mo sa trabaho! – Dito ako sobrang asar e! Ginawa mo naman HR department ang  facebook? Doon ka talaga nag post ng reklamo mo e noh? Mali di ba? Pwede kasing daanin sa tama. If may problema ka sa trabaho mo, make a formal complaint. Gusto mo ipataas mo pa sa DOLE, pero kasi kung sa Facebook mo ilalagay yan, to be brutally frank – ikaw yung mukhang g*go. Para kang nagsusumbong na bata e. Tapos hindi mo ba naisip, ang dami mong friends sa office, sama mo na boss mo. Kung sana sinabi mo na ang issue at hindi nag – post agad, baka sakaling naayos ang problema. Dear, sayo nagrereflect lahat ng sasabihin mo against your company. Kasi if ako tatanungin mo, it’s either hindi mo kaya ang work, or hindi mo alam paano kausapin ang mga tao sa office ng ayos.

 

P.S. At kung may reklamo ka sa accounts mo, dear huwag mo naman ilagay yung company name. Baka kasi nakakalimutan mo na may Non – Disclosure – Agreement kayo. Patay ka pag nagkataon!

Hindi ako high – blood. Bihira ako magalit lalo na kung mga kaekekan sa social media. Pero minsan, kelangan ko na din magsalita (or mag type). Kasi sa tingin ko talaga, originally ang social media, ginawa with a positive objective e. Hindi yan para manira ka, maglabas ng galit or mag share ng negative vibes.

OMG, dadami na ang galit sa akin! 🙂

Your young mom,

B

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s