How to Celebrate Valentine’s Day with a Broken Heart

Standard

how-to-celebrate-valentines-day-with-a-broken-heart

Don’t get me wrong ok? I’m not broken – hearted. In fact, I’m pretty much in love with God, myself and my kids. I’m taking a rest from this dating game because I would like to be the best version of myself when the right one comes along.

Anyway, this post is meant to entertain only. Walang basagan ng trip pwede? Minsan lang ako magkaroon ng more than 1 hour of free time from work, so might as well do something creative. Ready?

How to Celebrate Valentine’s Day with a Broken Heart

1. Don’t listen to ‘senti‘ songs – Music is too darn powerful. Kung bet mo ibuhos ang mga luha mo kasabay ng araw ng mga puso, e di push mo yan. Pero if you want to spare yourself from having eye – bags, pwede ba ate – IBAHIN MO PLAYLIST MO!

2. Please lang, huwag ka muna mag Facebook (or any other social – media for few days) – Huwag mo patayin ang sarili mo sa inggit. Magbasa ka ng libro, or di kaya you pumunta ka sa mga isolated na lugar – yung sure ka na walang couples. In short, stay at home brad. STAY AT HOME!

3. Manuod ka ng horror or siguro action, pwede na din ang sci – fi, basta walang kissing scenes! – The key is to divert your attention. Sayang wala ng rentahan ng betamax noh? Pero dude, check online for movies na bakbakan. Or di kaya yung mga suspense. Pasakitin mo ang puso mo sa ibang dahilan!

4. Magluto ka at kumain sa bahay nyo – Sabi ko sayo stay at home ka muna e, tapos mag ala – chef kuno ka muna at magluto sa bahay nyo. Kahit di ka marunong, i – push mo yang perfect corned – beef mo! Or maybe, get that microwavable popcorn para partner na ng movie marathon.

5. Padala ka ng flowers and chocolates sa sarili mo – Ayaw mo talaga paawat, sige regaluhan mo sarili mo ng bulaklak or chocolates. Gandahan mo ang dedication ha. Lagay mo, “You made the right decision!”  Kasi bes, mahalin mo naman muna ang sarili mo! Wag kang ano – kaya ka inaano!

Enough of my sarcasm, in reality, you don’t have to be bitter. I would like to think that Valentine’s Day isn’t only for romantic love.

It’s for all kinds of love.

Celebrate it with family, friends and even your colleagues. Or if you want to be on you own, that’s probably a great idea too. If you ask me, I love to travel when I need to mend a broken heart. And no, I don’t take loads of photos. Instead, I embrace the new environment and use the time to keep things in perspective.

Alam nyo, sa isang banda, ok din ang masaktan. Kasi doon ako naging mas malakas, doon ako mas naging matalino sa buhay. Sabi nga nila, kung ano ikinatalino ko sa acads, siyang kinatanga ko sa pagibig (although hindi naman ako super talino talaga – haha!)  Pero hindi naman siguro pagiging tanga ang pagmamahal. Slight, pero hindi totally ano?

Sa totoo lang, I couldn’t give you advice on love. Putek, romantic love life ko nga zero ngayong taon.  Pero siguro gusto kong sabihin na, hindi lang dapat nakadepende ang saya ng puso mo sa iisang tao. Madami ang nagmamahal sayo – baka this time, sila naman ang pagtuunan mo.

Happy BALENTAYMS!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s