HOW I FIXED MY FINANCES – THE ROAD TO FINANCIAL FREEDOM PART 3

Ok!

Perhaps this is the last part of this entry bilang I’m going to talk about my 2016.

Let’s hit it!

So far, so good. 

Balik tayo sa pagiging broker ha. I didn’t close a lot of sales – but my agents did. Since I am their broker, I get a small percentage of commission. Hindi na din masama. Minsan makakatanggap ka ng cheque kahit hindi mo inaasahan. Usually kapag ganoon bili agad ako ng pasalubong sa anak ko. 🙂

Mag – ahente ka na. Pramis. PROMISING this career.

1st quarter of 2016

May bago na naman akong raket. Taga – post sa social media ng isang app. (I have a friend kasi who asked me if I can still accept this job. E medyo ‘click’ kami dahil may pagka-rebel din ito. Hello Cha)  They call it Social Media Content Manager. In reality, taga – post sa Facebook. Kaya lagi akong online noh! Pero ‘wag ka ha – kesa mag sayang ako ng oras kaka browse ng feed,  e di extra income na lang di ba?

During the first quarter of this year, alam ko sa sarili ko na I was earning OK but I felt that I needed to push myself further . Para kasing pampered pa rin ako sa bahay. Parang spoiled pa din ako. Pakiramdam ko kailangan ko talaga gumawa ng BIG move.

So…I… MOVED OUT!

At first, hesitant  sina papa kasi alam nila na wala akong alam sa bahay. Pero ever since kasi –  I was hard headed. Kapag gusto ko – gusto ko! Bute na lang may apartment near my parents’ house. Mas madali ako makakapagadjust and I can ask them to cover up for me (for the kids) kapag kailangan kong umalis for meetings.

Hindi biro ang mag-solo ha! MAGASTOS. Ako nga puro hiram and hand-me-downs ang gamit pero  malaki pa din ang nagastos. I had to apply pa for my own internet connection kasi yan ang bumubuhay sa akin. Kaya pa naman ng salary ko, pero teka – wala na akong maiipon saka -erm – wala na ding luho.

Please lang ha, hindi ako nagtratrabaho para lang padaanin sa kamay ko ang pera at ibayad sa bills! 

Madalas ganyan na ang itsura ko. OK lang, 'aura' na lang pag may gimik!
Madalas ganyan na ang itsura ko. OK lang, ‘aura’ na lang pag may gimik!

2nd quarter of 2016

I told myself I needed another raket pa. So I applied for another job. US – based and malaki ang sweldo. Confident ako na matatanggap ako. After all, bihira naman ako ma-reject sa work. Ewan ko ba, feeling nila ang galing ko. PERO THIS TIME, I GOT REJECTED! Sampal sa akin. Sabi ko sa sarili ko, “Ang yabang mo kasi”.  Bute na lang I was about to leave for Hong Kong so napalitan ng excitement yung inis ko.

Sa mga panahon na yan, sobrang POSITIVE ko lang lagi. Sabi ko, makakahanap ako ng iba pang raket. True enough, I became one of TWO MONKEYS TRAVEL writers. OMG! May free hotels pa. Nakakaloka di ba?  Kasabay nito, yung HR na naginterview sa akin – naimpress ko daw siya.  Sabi nya yan ha! Yung nag – reject talaga sa akin yung mga boss. haha!  So she referred me to her friend who’s also US – based.

Eto na…

Let’s just say – my income per month now is 4x of what I earned or my ‘take home’ when I was still in Makati.

Ang masarap pa dito, walang traffic, walang uniform or budget for clothes, mura ang pagkain (buhay na kaming mag-anak sa 200 per day!), and the best part – I AM WITH MY KIDS! 

Hindi ko pinagyayabang ang sweldo ko. HIndi naman sobrang laki e, pero tumaas naman siya compared to what I had years ago. Hindi din madali kung paano ko nagawa. Nag- apply ako, I tried my best to work efficiently, I trained myself by reading HOW TOs. Alam mo yun, kusang maghanap ka ng means to improve yourself.  Kahit hindi ko alam mag layout, inaral ko para ma-impress ang boss ko. Kahit nga hindi ako marunong mag -bookkeeping, sige aralin mo BA! Kahit na bobo ako sa mga online banking and accounting terms, push pa din ako.

Kasi gusto ko. Kasi kaya ko. 

Sige, sabihin na natin na may utak ako. Pero hindi din naman ako sobrang talino. My gosh. Feeling ko nga nasa tail ako ng Science Section dati e. Parang naisinggit lang yung pangalan ko. HAHA! So bakit ko sinasabi ito sa inyo? Kasi naniniwala ako na you can do it too, basta you have the right mindset and the right motivation.

I have my kids, and I  want them to experience the best.

I was too darn determined to prove na kaya ko mabuhay kahit wala na ako sa opisina.

I have my family and I want them to be proud of me.

I made sure na kada umaga, alam ko kung para kanino ko ginagawa ang mga bagay na ito. Minsan naiiyak ako kasi feeling ko hindi ko maintindihan ang trabaho. Kapag ganyan na ang eksena, I will just breathe and pray and think about why I started to accept these jobs (kids, my family, my personal development)  Tapos itutulog ko na yung iyak ko. Kinabukasan  – ok na ako, may ideas na bago at ways to improve na akong maiisip. Sobrang si God yung kakausapin mo kapag feeling mo mabigat na.

YAN LANG. WALANG IBA! 

Sabi nga nila ang tapang ko para umalis sa safe na trabaho. Pero naisip ko, ayaw kong maging safe. Gusto kong malaman hanggang saan pa ako. Mantra ko nga, “What’s the worst that could happen?”

So kung ikaw may bet ka na business, pagaralan mo. Isugal mo! If pakiramdam mo you are going to do better in a different company, sige lang. Hindi mo malalaman pag di mo susubukan.  🙂

Awa ng Diyos ok pa ang sweldo ko. Sakali mang mabawasan ang raket ni Mommy BA, alam ko na magaaral ako ng bagong bagay para dun naman ako lilipat.  Mag – adapt ka!

Ayan, nalaman nyo na paano ko naayos finances ko. Ang dami ko pang extra kuda. Magtratrabaho na ako ha, mamaya mawalan pa ako ng trabaho sa kadaldalan ko!

 

 

Advertisements

2 thoughts on “HOW I FIXED MY FINANCES – THE ROAD TO FINANCIAL FREEDOM PART 3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s