Monthly Archives: October 2016

HOW I FIXED MY FINANCES – THE ROAD TO FINANCIAL FREEDOM PART 3

Standard

Ok!

Perhaps this is the last part of this entry bilang I’m going to talk about my 2016.

Let’s hit it!

So far, so good. 

Balik tayo sa pagiging broker ha. I didn’t close a lot of sales – but my agents did. Since I am their broker, I get a small percentage of commission. Hindi na din masama. Minsan makakatanggap ka ng cheque kahit hindi mo inaasahan. Usually kapag ganoon bili agad ako ng pasalubong sa anak ko. 🙂

Mag – ahente ka na. Pramis. PROMISING this career.

1st quarter of 2016

May bago na naman akong raket. Taga – post sa social media ng isang app. (I have a friend kasi who asked me if I can still accept this job. E medyo ‘click’ kami dahil may pagka-rebel din ito. Hello Cha)  They call it Social Media Content Manager. In reality, taga – post sa Facebook. Kaya lagi akong online noh! Pero ‘wag ka ha – kesa mag sayang ako ng oras kaka browse ng feed,  e di extra income na lang di ba?

During the first quarter of this year, alam ko sa sarili ko na I was earning OK but I felt that I needed to push myself further . Para kasing pampered pa rin ako sa bahay. Parang spoiled pa din ako. Pakiramdam ko kailangan ko talaga gumawa ng BIG move.

So…I… MOVED OUT!

At first, hesitant  sina papa kasi alam nila na wala akong alam sa bahay. Pero ever since kasi –  I was hard headed. Kapag gusto ko – gusto ko! Bute na lang may apartment near my parents’ house. Mas madali ako makakapagadjust and I can ask them to cover up for me (for the kids) kapag kailangan kong umalis for meetings.

Hindi biro ang mag-solo ha! MAGASTOS. Ako nga puro hiram and hand-me-downs ang gamit pero  malaki pa din ang nagastos. I had to apply pa for my own internet connection kasi yan ang bumubuhay sa akin. Kaya pa naman ng salary ko, pero teka – wala na akong maiipon saka -erm – wala na ding luho.

Please lang ha, hindi ako nagtratrabaho para lang padaanin sa kamay ko ang pera at ibayad sa bills! 

Madalas ganyan na ang itsura ko. OK lang, 'aura' na lang pag may gimik!

Madalas ganyan na ang itsura ko. OK lang, ‘aura’ na lang pag may gimik!

2nd quarter of 2016

I told myself I needed another raket pa. So I applied for another job. US – based and malaki ang sweldo. Confident ako na matatanggap ako. After all, bihira naman ako ma-reject sa work. Ewan ko ba, feeling nila ang galing ko. PERO THIS TIME, I GOT REJECTED! Sampal sa akin. Sabi ko sa sarili ko, “Ang yabang mo kasi”.  Bute na lang I was about to leave for Hong Kong so napalitan ng excitement yung inis ko.

Sa mga panahon na yan, sobrang POSITIVE ko lang lagi. Sabi ko, makakahanap ako ng iba pang raket. True enough, I became one of TWO MONKEYS TRAVEL writers. OMG! May free hotels pa. Nakakaloka di ba?  Kasabay nito, yung HR na naginterview sa akin – naimpress ko daw siya.  Sabi nya yan ha! Yung nag – reject talaga sa akin yung mga boss. haha!  So she referred me to her friend who’s also US – based.

Eto na…

Let’s just say – my income per month now is 4x of what I earned or my ‘take home’ when I was still in Makati.

Ang masarap pa dito, walang traffic, walang uniform or budget for clothes, mura ang pagkain (buhay na kaming mag-anak sa 200 per day!), and the best part – I AM WITH MY KIDS! 

Hindi ko pinagyayabang ang sweldo ko. HIndi naman sobrang laki e, pero tumaas naman siya compared to what I had years ago. Hindi din madali kung paano ko nagawa. Nag- apply ako, I tried my best to work efficiently, I trained myself by reading HOW TOs. Alam mo yun, kusang maghanap ka ng means to improve yourself.  Kahit hindi ko alam mag layout, inaral ko para ma-impress ang boss ko. Kahit nga hindi ako marunong mag -bookkeeping, sige aralin mo BA! Kahit na bobo ako sa mga online banking and accounting terms, push pa din ako.

Kasi gusto ko. Kasi kaya ko. 

Sige, sabihin na natin na may utak ako. Pero hindi din naman ako sobrang talino. My gosh. Feeling ko nga nasa tail ako ng Science Section dati e. Parang naisinggit lang yung pangalan ko. HAHA! So bakit ko sinasabi ito sa inyo? Kasi naniniwala ako na you can do it too, basta you have the right mindset and the right motivation.

I have my kids, and I  want them to experience the best.

I was too darn determined to prove na kaya ko mabuhay kahit wala na ako sa opisina.

I have my family and I want them to be proud of me.

I made sure na kada umaga, alam ko kung para kanino ko ginagawa ang mga bagay na ito. Minsan naiiyak ako kasi feeling ko hindi ko maintindihan ang trabaho. Kapag ganyan na ang eksena, I will just breathe and pray and think about why I started to accept these jobs (kids, my family, my personal development)  Tapos itutulog ko na yung iyak ko. Kinabukasan  – ok na ako, may ideas na bago at ways to improve na akong maiisip. Sobrang si God yung kakausapin mo kapag feeling mo mabigat na.

YAN LANG. WALANG IBA! 

Sabi nga nila ang tapang ko para umalis sa safe na trabaho. Pero naisip ko, ayaw kong maging safe. Gusto kong malaman hanggang saan pa ako. Mantra ko nga, “What’s the worst that could happen?”

So kung ikaw may bet ka na business, pagaralan mo. Isugal mo! If pakiramdam mo you are going to do better in a different company, sige lang. Hindi mo malalaman pag di mo susubukan.  🙂

Awa ng Diyos ok pa ang sweldo ko. Sakali mang mabawasan ang raket ni Mommy BA, alam ko na magaaral ako ng bagong bagay para dun naman ako lilipat.  Mag – adapt ka!

Ayan, nalaman nyo na paano ko naayos finances ko. Ang dami ko pang extra kuda. Magtratrabaho na ako ha, mamaya mawalan pa ako ng trabaho sa kadaldalan ko!

 

 

How I Fixed My Finances – The Road to Financial Freedom Part 2

Standard

I need to release some stress so I am back writing for my own blog.

Anyway, I stopped at June so let’s continue… Kung hindi mo nabasa yung part 1, BASAHIN MO!

piggy-bank-1056615_960_720

Parang ako lang. So cute. 🙂

August 2015

I am a licensed real estate broker. If you want to know my story, please read my old post.  By August 2015, I told myself I have to make use of my license. Sayang naman ang board exam if para lang sa government ID ang habol ko. I started putting ads online again and received inquiries.

Wow, si Mommy BA humahataw na naman!

Pero kasi,  kapag nasa real estate ka, hindi yan easy money. Unless cash buyer nabinggwit mo. Langya, tiba – tiba ka dun!  In reality, it’s like you have a ‘piggy bank’. You know, ipunin mo muna yung benta mo and the commission will come months, or even years after  that. In fact, kakakuha ko lang last month ng commission from a sale I made a year ago. Ok na din di ba? Nag Cebu na nga ako after that e. 🙂

Sorry guys, medyo travel mommy na ang peg ko e. I write for Two Monkeys Travel by the way. Check their website if you want to become one too!  Hanapin nyo articles ko tapos comment kayo! 

Mabalik tayo noh? That same month I received a message from a dear friend, inviting me to facilitate a seminar about Negotiation and Assertiveness. Syempre raket ito di ba? Akala ko libre pakain tapos mga 1,000 or 2,000 lang per day. OK na ako dun kasi exposure yun e.

Pero I was shocked that I received 10,000 per day! Akalain mo na napakinabangan ko yang kadaldalan ko saka kakapalan ko ng mukha! So if you have seminars or talks that you want me to facilitate, pwede naman ako. Makakatulong ka pa sa future ng lovely kids ko.

I don’t want to brag, pero sige – magyayabang na din ako.  🙂 Sobrang ‘na-tats’ ako sa mga trainees ko kasi nagpopost sila sa mga facebook accounts nila ng ‘Best Seminar’ or ‘I love this seminar’. Alam nyo friends, mas matimbang yung mga sinasabi nila kesa sa 10,000 per day  na natanggap ko noon. Saya noh? Sabi ko sa inyo i – hire nyo na ako. Pramis, hindi ako ganito ka gag*!

Ber Months 2015

Tuloy ang ligaya! May trabaho, nakapag shopping for Christmas. May pera na ako. Sabihin ko ang mga raket ko ha! (Nadagdagan na yan this year)

  1. Virtual Assistant for a Travel Management Company (Reports, Business Review, etc) Tunog matalino e noh? Pero chicken feet! Kaya nyo yan.
  2. Virtual Assistant for an International Communication Consultant (with a nice Travel Blog) – Parang ako ito e, daming raket!
  3. Real Estate Broker (Gusto mo ng condo o bahay at lupa ? (Murang – mura lang)
  4. Resource Speaker for Trainings (Kung saan – saan)

Konti na lang brad, magbebenta na ako at maglalako ng bra or tocino somewhere. Basta kikita, game ako!

Pero may mali e.

HIndi yata ako nakakapag-ipon. Bute na lang natauhan ako by November 2015. Kuha ako ng insurance! To be honest, I was too afraid to get one. Ang dami kasing nagsara di ba? Pero I was enlightened and got one that I could afford. That’s a start di ba? Tapos si Papa P yung endorser. Ok sige, uto – uto ka sa artista e!  🙂 Seriously, consider getting one. #AdultLife

Hindi ako ahente, but I try to convince my friends to get one too. Kasi KAILANGAN! Kasi, SMART move! Yung 1k or 2k a month na savings ko, pasok sa insurance. Tapos next year, aral naman ako ng stocks. Huwag kang titigil matuto! Sumugal ka! Parang pag- ibig lang yan mars! Although yung pagsugal ko last time sa pag – ibig parang medyo nalugi yata! EWAN KO! Saka na yang storya na yan.

Happy na ang pasko ko.

I bought simple gifts for my relatives,  and my kids were too happy with what I gave them. Clearly, it was different from my 2014 Christmas drama. Pero sabi ko sa sarili ko, kahit na I have cash cow and I earn 2x than what I had sa dati kong 8 – 5 job, I want to get richer.

Oh, may part 3 ‘to! Kaso eto, antok na naman ako.  Next time na lang ha. 🙂